Nagmistulang sportsfest ang biyahe ng isang magkakaibigan matapos mag-huddle ng celebratory cheer nang saktong pasok sa timbang ang kanilang bagahe sa airport.
Sa nakakaaliw na video na ibinahagi ni @simoun.._, makikita ang trop ana sabay-sabay naghihintay ng resulta habang tinitimbang ang maleta. Kita ang kanilang kaba at sabay na paghinga, pero agad napalitan ng hiyawan at yakapan na tila panalo sa isang championship game nang mag-20kg ang reading.
@simoun.._ yung pasok yung luggage nyo sa 20kg 😮💨#fyp #foryou #foryoupage #bali #indonesia @Dan Enriquez ♬ Rated K Theme Song 2007 – Rated K Archives
Di rin nagpahuli ang netizens sa comment section na todo relate sa eksena:
“HAHAHAHAH talagang mapapagroup hug kase safe sa gastos”
“ALIW HAHAHHA sino po winner? 🤣”
“ganyan din ako sa taiwan nu g sumaktong 7 kilos hc ko tapos 19 kilos yung checked in 🤣”
“volleyball players pa nga”