Kung ang ibang mga new hires ay alangan pumunta sa Christmas party dahil ayaw mapasayaw, tiyak ay kusang sasayaw ang sinumang dumalo sa advanced Christmas party ng Brilliant Skin cosmetics dahil ang kanilang CEO na si Glenda dela Cruz, nagpamudmod ng limpak-limpak na salapi!
Sa video na pinost ni Senyora, ipinakita niya kung gaano ka-excited ang mga empleyado ng beauty tycoon nang hindi lang isa, dalawa o tatlong beses siyang tumuntong sa silya upang mamigay ng pera.
Sa dulo ay dumukot pa ito ng isang bungkos ng daan-daang piso at ipinamigay sa ilang empleyado.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang pa-cash ng boss sa kanyang mga empleyado:
“Yan Ang amo Hindi maramot sa mga tauhan, dahil nakita nya na Ang mga tao nya ay nagpapayaman sa kanila, sinuklian nya Ng kabaitan ang mga tauhan nya”
“parang nag papakain lang ng tilapia hahahaha”
