Mahirap na talagang kumita ng pera kaya kahit mga negosyante, kanya-kanyang gimik para mapansin ang kanilang mga live selling.
Dahil sa tindi ng kompetisyon, ipinagkataon ng isang online businessman na gamiting meow-del ang alagang pusa para sa kanyang itinitindang pet clothing.
Kaya’t kahit halatang labag sa kanyang kalooban, pumayag na din ang pusa na makipag-cooperate sa kanyang amo, lalo na’t ito naman ang magpapakain at nag aalaga sa kanya. Gayumpaman, dahil bakas sa kanyang hitsura na hindi talaga siya natutuwa na kanyang ginagawa, ito naman ang naging selling point para sa mga nanunuod ng live na nakaka-relate sa pinagdadaanan ni muning.
Anila, maging sila ay hindi naman fan ng pagtatrabaho pero kailangan talagang kumayod. Hiniritan na lang nila ang bossing ni muning na pakainin ito ng masarap matapos ang kanyang pagrampa.
“she seems happy”
“From Korean to Babaylan”
“She is tired tired tired of her job she needs day off lol”
“U SHOULD GIVE THE CAT A VERY GOOD FOOD AFTER THIS MEOWDELLING OKAY???”
“Cat so done with fashion”