Para sa 5K! Nadine and Mimiyuuuh, ‘itinaya ang pagkakaibigan’ sa Christmas party game

Aliw ang mga netizens sa pagiging competitive ni Nadine Lustre para sa isang game sa Christmas party.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang mga netizens nang mapanuod ang mga naganap na games sa Christmas party ng Aivee Clinic kung saan nagharap harap si Internet’s president Nadine Lustre, content creator na si Mimiyuuuh at aktres na si Sue Ramirez sa isang game para magkamit ng prize na P5,000.

Tawang tawa ang netizens nang makita ang kanilang aesthetic queen na si Nadine na humahandusay sa sahig at bumabalentong para makakuha ng plastic cup at manalo sa game.

Humirit pa nga si Mimiyuuuh: “Nadine P5K lang yan, Ipagpapalit mo ang pagkakaibigan natin para sa P5K?”

Umani naman ito ng maraming heart reacts sa account ng influencer na si Ann Tirona.