Para paraang palibre, tinumbok ni Jollibee sa isang nakakatawang ad

Tawang-tawa ang mga netizen na biglang nagutom sa bagong commercial ng Jollibee.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kakaibang laugh trip ang idinulot ng pinakahuling ad ng Jollibee kung saan nasubok ang pasensiya ng isang pamilya sa mga kapitbahay na para-paraan para maimbita sa kanilang salu-salo.

Bentang-benta ang mga eksenang nagsimula sa isang kapitbahay na biglang naisipang magsoli ng plantsa habang ang pamilya ni Aling Baby ay nag se-celebrate ng kaarawan. Maya’t maya mo pa, may isa pang kapitbahay na kunwa’y makikihugas ng kamay dahil “nakahawak” ng putik.

Matapos makapuwesto ang dalawa upang makikain, may pangatlo pang nagtangkang makikain ng aksidenteng maihgis ang bola sa loob ng bahay ng kapitbahay.

Ang punto naman ng Jollibee, pwede namang umorder na lang kaysa gumawa ng paraan para malibre lalo at meron silang mga free items na ipinamimigay sa kanilang bagong promo.

Marami sa mga netizen ang natawa sa reaksyon ni Aling Baby na halatang pikon na pikon na sa kanyang mapagsamantalang kapitbahay, maging sa mga obvious nitong paandar. Mayroon din namang biglang ginutom ang nag crave ng Jollibee

Nice one Jollibee!