Mahal ang mag fangirl lalo na sa mga K-pop idols. Mag attend ka lang sa concert at fan meets, ubos na ang isang linggong sahod. Kaya naman nakaisip ang isang magbabarkada ng paraan para matupad ang pagpapa-fansign nang hindi nabubutas ang bulsa.
Sa isang nakakatuwang video, ipinakita ang isa sa magkakaibigan na tinakpan ang mukha ng tablet na naka-flash ang mukha ng K-pop idol na si S.coups ng SEVENTEEN. Nag set up din sila ng lamesa na tulad sa isang fan sign event at pumosing-posing din ito ng mga finger heart.
Para naman sa mga “fans,” mega tili naman ang mga ito at siyempre, nagbigay din ng regalo sa kanilang mga idol.
(Chirin Kwon/FACEBOOK)
Todo relate naman ang mga fans na madalas ay Team Bahay:
“ganito lang talaga afford ko eh… Sinong magmammaskara na seungcheol?? Hahahahaha”
“Wag namn sana akong umabot sa ganito”
“how i hope that they can see this HAHAHAHAA”
“Naiiyak Ako na natatawa huhu ganyan lng din afford eh hahahhaa”