Kinagiliwan ng mga netizen ang naisipang paraan ng isang Shopee rider para tawagin ang may-ari ng bahay na kanyang pagdadalhan ng package.
Dahil matalas ang mata ni kuya, napansin niya agad ang mikropono ng videoke na nakalagay sa malapit sa gate.
Imbes na maputol ang litid sa katatawag sa may-ari ng bahay, gumamit si kuya ng ipinagbabawal na teknik para kunin ang atensiyon ng kanyang customer. At syempre pa, sumagot din ang may-ari na maghintay siya dahil sa kumukuha pa ito ng pansit.
Laughtrip naman ang dala ng video na ito sa netizens:
“may mic na HAHAHHAHA”
“Sandali kasi kuya mauubusan sya ng panset”
“kanta ka muna”
“Saglit lang nagutom lng kuya”
“MAGHINTAY NMN KASI UY NAGUGUTOM SI KUAN”