Pantrapiko? Jollibee, umindak sa ‘Pantropiko’ ng BINI habang patawid ng kalsada

Jollibee nag fanboy sa BINI habang patawid ng kalsada.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Maasahan talaga ang pambansang bubuyog na si Jollibee na magdulot ng good vibes saan man siya pumunta. Kailan lamang, hindi napigilan ni Jollibee na ipakita ang kanyang pagiging BINI fanboy habang patawid sa isang pedestrian crossing.

Aliw na aliw ang mga pasahero ng jeep nang makitang umiindak sa steps ng ‘Pantropiko’ habang nakatigil ang kanilang sasakyan at patawid naman ang mascot.

(Courtesy:yjane.maranan/FB)

Tulad ng ilan, wala talagang kawala ang mga Pinoy sa trending na awitin ng BINI, na pati si Jollibee ay nae- LSS.

“Baka masagasaan ka jb”

“Baka pantrapiko hahaha”

“Bini Bee”

“Jolli-Blooms pala si Jolli-BINI.”

“Binibeeni”