Pang four-chair turner. Lalong napasaya nina Babyshark Doll at Jimmy Molan Alesna ang diwa ng Pasko dahil sa kakaibang estilo nila ng pangangaroling.
Aliw ang bawat bahay o establisimyento na kanilang kinakantahan saan man sila magawi sa Mindanao.
Nasa Tupi, South Cotabato kamakailan ang dalawa at nangangaroling sa Cafè Cerveza nang kinunan sila ng video ni Erwin Cordova.
At dito nag umpisa kung bakit naging viral ang dalawa sa internet.
“Nakakahiya magbibigay ng 20 pesos nakulangan ako sa kulot 

,” ang caption ni Erwin sa kanyang video na kung saan ay todo birit ang dalawa sa awiting “Joy To The World” na feel na feel nila at may pakulot-kulot pa.
Matapos i-upload ni Erwin ang video ay nagviral agad ito at mayroon nang three million views sa TikTok.
Natuwa ang mga netizens sa kakaiba nilang lyrics ng “Joy to the World” dahil ang huling salita ng linyang, “Let earth receive her King” ay dinudugtungan nila ng “king kiring king king…”
Madami na din ang nag-aabang kung saang lugar sila susunod mangangaroling gaya lang nang magpost sila na pupunta sila ng Maasim, Sarangani at Davao, may mga request agad kung saang subdivision o area ang dapat nilang puntahan.
Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao, bininyagan na rin nila ang sarili nila bilang “CarolinG Diva” at para mas maging opisyal pa ito, gumawa na rin sila ng Facebook page para masubaybayan sila ng kanilang mga fans habang nagiikot sa iba’t ibang probinsiya sa Mindanao.
May mga netizens din na nagrerequest na sana ay makapasyal ang dalawang diva sa Negros at Cebu.
“Punta kayo sa negros mga mommy!!!,” sabi ng isa.
“Mayta maabot mo diri sa Cebu hehe grabe kaayo mo maka pa Good Vibes!
God bless and amping mo permi mga madam
(Maganda sana pumunta rin kayo sa Cebu hehe grabe kayo makapa-good vibes! God bless and ingat kayo palagi mga madam),” sabi naman ng isa.
Hirit naman ng isa ay pang nationwide muna sila ngayon at next Christmas ay pang world tour na.