Pangmalakasang diskarte! Bogart the Explorer, pinatunayan na pwedeng mag-enjoy ng first-class meal sa economy flight

Content creator Bogart the Explorer benta ang video ng kanyang "first class" meal sa eroplano na nilagay niya sa mga recycled containers.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Pag first class seat sa eroplano, tiyak kasama sa pribelehiyo ang pagkakaroon ng maluwag na upuan, masarap na inumin, at nakakatakam na pagkain.

Ngunit pinatunayan ni content creator Marco Antonio Ho, na mas kilala bilang s”Bogart the Explorer,” na kahit sa economy seat ay pwedeng mag-enjoy na first-class na pagkain.

Sa isang Instagram post, makikita si Bogart the Explorer na nakasakay sa economy class ng isang eroplano pero ang pagkain niya ay pang first class seat ang datingan: smoked chorizo, parmesan wings, garlic butter wings, fried rice, Texas-style beef ribs, shortplate, at pork belly.

Paano? Ginawa lang naman niya ang isang diskarte na sadyang tatak Pinoy. “Filipino Tupperware is the best!” caption ni Bogart the Explorer.

“First Class Meal in Economy,” dagdag pa niya sa hiwalay na post sa Facebook.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa naging diskarte ni Bogart the Explorer. “Don’t judge the food by it’s container” “Tell me you’re a Filipino without telling me you’re a Filipino” “Tpos tutok mo s aircon pra maamoy din nila” “Better than 1st class meal” “Kulang po yung rice. pagkain nakaka gutom po.”