Mark Striegl and his six-year-old son Max performing the Maui Wowie hanging ring challenge together in a gym.

Pangmalakasan! Mark ‘Mugen’ Striegl at 6-anyos na anak, naglambitin sa hanging rings para sa ‘Maui Wowie’ challenge

Mark "Mugen" Striegl and his son Max crush the Maui Wowie challenge on hanging rings. Watch the viral father-son fitness moment here.

Like father, like son ang peg ng mag-amang sina Mark “Mugen” Striegl at ng kanyang anak na si Max nang ipakita nila ang kanilang pambihirang upper body strength sa haging rings sa isang gym.

Nakilala si Mark bilang Sambo champ at kalahok sa “Physical: Asia” bilang bahagi ng Team Philippines, lalo na nang magtagal siya sa Hanging Ring Endurance Challenge ng apat na oras para ipanalo ang Pilipinas sa round na iyon.

Sa kanilang entry sa Maui Wowie challenge, ipinakita ng anim na taong gulang na si Max na basic din lang sa kanya ang paglalambitin sa hanging rings tulad ng kanyang ama.

Marami naman ang natuwa sa pangmalakasang bonding ng mag-ama at sinabing maganda rin ang future ni Max sa pagiging atleta.

“He’s really your “mini me” Teaching him while very young, Daddy Mark “Mugen” Striegl ”

“Dude stawp… ”

“I was waiting for this ”