Tunay ngang maraming ganap sa TikTok. Bukod sa mga viral na kung anu-ano, nariyan na rin ang mala-telenovelang pagtatagpo ng kambal na nagkahiwalay simula pagkabata.
Natagpuan ng isang babaeng nagngangalang Ano Sartania, 21 anyos na taga Georgia, ang kanyang matagal nang nawawalang kambal sa TikTok matapos magpadala ang kanyang mga kaibigan ng mga link ng videos ng kanyang doppelganger noong Nobyembre 2021.
Sa una, akala ng mga kaibigan ay si Ano iyon na nagpakulay lang ng buhok. Gulat na gulat si Ano sa pagkakahawig niya rito at dahil dito hinalughog niya ang social media upang mahanap ang kanyang kamukha hanggang sa umabot siya sa isang Gregorian Facebook group na tinatawag na “Vedzeb,” na ang ibig sabihin ay “I’m looking for.”
Matapos basahin ang mga kwento mula sa 230,000 miyembro ng FB group na ito, natunton niya rin ang kayang sinasabing doppelganger, si Tako Khvitia.
@sartaniaanoo Dumb and dumber
♬ Friesenjung – Joost & Ski Aggu
Natuklasan din nila sa kanilang madalas na pag-chat na sila nga ay kambal na nahiwalay simula kapanganakan. Kahit nawalay sila ng mahigit dalawang dekada, nalaman nila na pareho silang may hilig sa pagsasayaw.
Nadisukbre din nila na biktima sila ng illegal adoption kung saan kinukuha ang mga sanggol mula sa kanilang walang kamalay-malay na ina at ibinebenta sa mayayamang pamilyang walang anak, ulat ng la Republica.
May ilang mga taong nakapag sabi rin na nang sila’y pinanganak noong June 20, 2002, agad-agad silang kinuha at ibinenta. Na-comatose ang kanilang ina matapos manganak at noong magising ito, ibinalita sa kanya na namatay ang kanyang kambal.
Napagalaman na ang kanilang ama ang nagpakanang magbenta sa kanila dahil duda siya na siya ang ama ng mga sanggol.
Bilang parte ng black market operation noon, pinadala si Ano upang manirahan kasama ang isang pamilya sa Tbilisi habang si Tako naman ay ibinenta sa pamilyang taga Zugdidi, isang maliit na bayan malapit sa Black Sea.
Nagkita sa wakas ang kambal ng personal sa isang metro station sa Tbilisi noong 2021. “I always had this feeling that someone was following me everywhere I went, every day I had the same dream of a little girl, dressed in black, asking me questions about my daily routine,” paglalarawan ni Ano sa spiritual connection na nadama niya.
Ngayon, makikita ang dalawa na magkasama sa mga videos na kanilang pinopost sa TikTok.
@sartaniaanoo 👭🏻twinnie
♬ Paint The Town Red – Doja Cat