Saludo ng malala ang mga cat lovers sa mga manong guard na mababait sa hukbong kapusaan.
Sa isang makulit na post sa group na Mga Pusa sa Daan, may nag-joke pa nga kung bakit tila lapitin ng mga kuting ang mga friendly security guards na kadalasang makikitang mga mga puspin sa kanilang mga stations.
“Bakit ang karamihan ng mga guards, may alagang pusa habang naka duty?” tanong ng isang netizen.
Madali naman ang naging pagsagot ng mga cat lovers: “Yng K9 (canine) para sa mga pulis na, habang ang mga guard yung K10 (kitten).”
Humakot naman ng LOL ang post at inulan din ng kanya kanyang sighting ng mga SG na may sidekick na muning.
“Cat is stress reliever ng mga guard. Cat nakakawalang ng boring. Kasi cute nila”
“Usually din po… pusa ang gising na gising sa gabi… sasamahan kang mag puyat.”
“True k10 is the best companion”