Lahat na yata ng klase ng cover ay nagawa na ng mga fans para sa hit song na “Golden” ng “KPop Demon Hunters” pero ang mga Pinoy, may natitira pa ring bala. Ang rondalla edition!
Ipinamalas ng music teacher at school conductor na si Marco Polo Ignacio ang arrangement na kanilang ginawa para sa rondalla club ng kanilang school na talaga namang nagpahanga sa mga netizens.
Ayon sa mga nakapanood, maganda ang atake nila Sir Marco sa pag-handle ng mga bata dahil imbes na ipaaral lang sa kanila ang karanjwang tugtog ng rondalla ay inaakma din niya ang mga proyekto ng mga bata sa kung ano ang kinahihiligan nila.
“Yan ang MUSIC TEACHER! Magaling mag arrange, conductor. Such a Talent!”
“Nakakatuwa kapag ang club moderator mageffort sumakay sa trip ng students nila. Kasi mas maiinspire sila tumugtog kapag gusto nila pyesa:) and hindi nila sasabihin na boring maging part ng club:)”
“Honmoon seal away by aswang yeah by Philippines 🇵🇭”
“Lakas pala makapang fiesta vibes ang Golden kapag inareglo natin na parang ganito 😅 Nice”