Panalo pa rin! Simpleng magsasaka, mangingisda, nagtamo ng milyong boto sa pagtakbo sa Senado

Wagi pa ring maitututing ang kampanya nina Danilo Ramos at Ronnel Arambulo sa kanilang pagsabak sa Senado dahil nagkamit sila ng 4 at 3 milyong boto kahit kapirasong pondo lang ang kanilang inilabas.

Ikinagulat pero ikinatuwa ng maraming Pilipino ang naging resulta ng naganap na halalan kung saan hindi lamang pangalan at makinarya ang nanaig sa pagboto ng taumbayan. Ilang magsasaka, mangingisda at pagnkaraniwang Pinoy din ang umani ng tiwala ng maraming Pinoy para isulong ang kanilang mga sektor.

Kabilang sina Danilo β€œKa Daning” Ramos at Ronnel Arambulo sa umani ng higit apat na milyon at tatlong milyong boto sa kanilang pagtakbo sa Senado kahit na kaunti lang ang kanilang pondo at makinarya para magdaos ng pangmalakasang kampanya.

Kahit hindi pinalad na magwagi ng upuan sa Senado, marami ang nagsabi na tiwala ng milyong mga Pilipino ay isa na ring tagumpay dahil nagpakita ito ng kamulatan ng marami sa kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Nangako naman silang patuloy ang laban para sa kapakanan ng ating mga kababayan sa kanilang sariling paraan.