Kahit nakapasok na ang Year of the Wooden Dragon ay patuloy pa din ang cute na cute na si Indai Eunice sa pagdadala ng good vibes at swerte sa kanyang mga followers bilang isang Chinese fairy.
Talaga namang bumagay kay Indai ang DIY costume na gawa ng kanyang Mama Rochelle kahit pa sa caption ay sinabi ng kanyang ina na siya ang busog version ng Diwata.
Sa video ng behind the scenes ng kanilang photoshoot ay kitang-kita din na feel na feel ni Indai na mag-project sa kanyang costume at props kahit na ang kanyang background ay sa isang simpleng talahiban lamang.