Ultimate summer treat at paboritong panghimagas ng mga Pinoy ang halo-halo. Pero sa Full House BBQ na isang Filipino restaurant na matatagpuan sa Las Vegas, USA, sineserve ang halo-halo ng mainit-init pa!
Napapa-wow ang mga customers dito dahil umaapoy ang leche flan na nakapatong sa ube ice cream, yelo, at makukulay na sahog ng classic na Pinoy dessert na ito.
Puntahan ng mga Pinoy ang restaurant na ito lalo na ang mga sabik sa panlasang Pinoy. Bet rin naman ito ng mga banyagang nais ma-experience ang Filipino cuisine.
Ayon sa ulat ng Inquirer.net, hindi na bago ang nasabing flaming halo-halo pero ngayon lamang ito gumagawa ng ingay online. Si Chef Alex Irlandes ang siyang nakaisip ng ganitong twist.
“Yan ang halo-halo!” komento ng netizen.
“Ang cute ng pa-flame,” sabi naman ng isa.
“‘Yung wala ka pang meryenda, tapos ito makikita mo,” ang komento ng natakam na netizen.