Pambansang Krung Krung meets Irene Tiu! Collab video ni Sandara Park at Maris Racal, nagdulot ng good vibes sa fans

Nagdulot ng saya ang video ni Maris kasama ni Sandara Park habang nagba-bonding sa isang dance challenge.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagsanib pwersa ang dalawang nakaka good vibes na kikay na sina Sandara Park, na tinaguriang Pambasang Krung Krung ng Pilipinas at ang next-gen romcom princess na si Maris Racal sa isang video sa Instagram.

Sa video na pinost ni Maris, makikitang masayang ginagawa ni Dara at Maris ang “Marikit sa Dilim” nina Carl & Angela challenge kung saan sumasayaw ang dalawa at nagtatawanan.

Ayon kay Maris, sobrang bait at down to earth ng kanyang Ate Dara. Sinabi din niya na hindi lang siya nagpahalata pero nanginginig siya habang ginagawa ang video kasama ni Dara na isang sikat na K-pop star din sa Korea.

@missmariestella nanginginig ako di lang halata. luv u sandaraaaa 🥲 @산다라박 Sandara Park #fyp ♬ Marikit sa Dilim – Carl & Angela