Nagdulot ng sunod-sunod na LOL ang isang attempt na tularan ang fairy walk ng Siquijor sa Babalaya, Bacolod.
Okay na sana ang lahat pero matapos maitawid ang mala-diyosang pagtampisaw sa ilog ay nakalimutan naman pumreno ng lalaking nagmistulang Silver Surfer pa sa pagkakadulas.
Ang serye ng katatawanan ay hindi pa nagtapos sa simpleng dulas lang dahil nakalusot ang lalaki sa pagkakahulog sa ilog ngunit ang guide na tutulong sana sa kanya naman ang napag-swimming ng wala sa oras.
@vmalpoy only in babalaya
Hindi naman kinaya ng mga netizens ang eksena.
“kung sino pa tumulong cya pa napahamak HAHAHA”
“tama talaga yung ‘hindi sa lahat ng bagay pwede kang tumulong’”
“Masama talaga mag magandang loob 😂😂😂😂😂”