‘Palagi’ couple x Anime: KZ Tangingan at TJ Monterde, may ‘cameo’ sa ‘KPop Demon Hunters?’

Patok ang mga memes ni KZ Tandingan at TJ Monterde na ikinukumpara sa “KPop Demon Hunters.”

Kalat na kalat ngayon sa iba’t ibang social media platforms ang meme ng “Palagi” couple na si TJ Monterde at KZ Tandingan na ginawang meme ng mga netizens habang kinukumpara sa “KPop Demon Hunters” na sina Jinu at Baby Saja.

Sa ilang mga posts, pinagkumpara ng mga netizens ang kulay berdeng buhok at pormahan ni Baby Saja sa makulay na personalidad at style ni KZ habang si Jinu naman ay may parehas na hairstyle at galawan sa lider ng grupo na si Jinu.

Aliw naman ang mga nakapansin ng meme kaya’t ang tanging reaksyon nila ay “How to unsee?”

Inilapag kailan lang ng Sony Pictures ang anime release na Netflix film tungkol sa grupo ng K-pop girl group na may lihim palang misyon na sugpuin ang mga demons na naglipana sa Korea.

Nag No. 1 ang anime film sa 26 na bansa matapos itong ma-release sa Netflix noong nakaraang linggo.