Pakinabangan ang pagiging maldita! Star Magic, may training for the next big kontrabida

Star Magic, may open call para sa Kontrabida Acting Workshop.

Para sa mga nilalang na ipinanganak na may resting b*tch face o matatapang na hitsura kahit sa totoong buhay ay napakababait naman, ito na siguro ang tamang pagkakataon para pakinabangan ang mga gifts na bigay ni Lord.

Nag anunsyo ang Star Magic ng open call para sa mga nangangarap na maging kontrabida para sa kanilang Kontrabida Acting Workshop.

Sa workshop na ito, pwedeng ma-unlock ang inyong potensiyal upang maging susunod na Princess Punzalan, John Arcilla, Janice de Belen, Bella Flores, Pacquito Diaz o Raymond Bagatsing.

“Basic na basic sakin toh kahit itanong nyo pa sa mga kasama ko sa bahay,” ani isang netizen.

“Direk, handa na po ako sa mature roles,” dagdag naman ng isa.

“*nanira ng buhay*”

“Ako nato”

“Sampal training included po?”