Madalas ipaalala ng mga staff sa mga restaurants na ibalik ng mga customer ang buzzer kapag nakuha na nila ang kanilang order pero hanggang ngayon, marami pa rin ang nakakalimot magsauli nito.
Kaya naman ang Lola Nena’s, may bagong viral na ad kung saan ipinapakita kung ano ang nangyayari sa mga ibang buzzers kapag napapawalay sa kanilang kasamahan.
Sa nakakatuwang video, ibinulsa ng isang customer ang buzzer habang may background music ng “Titanic” sa eksenang sumisigaw si Rose ng “come back!” kay Jack habang ito’y lumulubog na sa dagat.
Kanya-kanyang komento naman ang mga customers sa kanilang thread”
“ang galing pumitik ah! d yan iphone gar! hahaha!”
“Langya napa check ako sa bulsa ko ah matapos ko bumili ng donuts sa Mindanao Avenue Branch”
“nadala ni Rose”
“yung ganyan nyo minsan nauuna pa tawagin bgo tumunog yan”