‘Paki-update pag-isisampay na’: Tutang duma-da life habang pinapaliguan, kinagiliwan ng netizens

Kinagiliwan ng netizens ang pagbabago sa buhay ng tutang si Bonbon at ang 'this is life' moment niya habang pinapaliguan
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isa sa kadalasang problema ng mga barangay ang pagkakaroon ng mga “askal” or asong kalye. Madami sa mga ito ay literal na sa kalye na nakatira at walang inuuwiang bahay.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizens sa ginawang pag-ampon sa tutang si Bonbon ng pamilya ni @little.allyyyy.

At isa sa siguradong masaya ay si Bonbon mismo dahil kitang-kita sa video na pinost sa Tiktok na ine-enjoy niya ng todo ang pag aalaga sa kanya.

“Ako si Bonbon, ang dating asong grasa ngayon ay asong bahay na!” kwento ni @little.allyyyy.

Sa video, makikitang sarap na sarap si Bonbon habang nililinisan at pinapaliguan.

Sa sobrang sarap sa pakiramdam, makikita pa si Bonbon na halos makatulog na habang bina-brush ang kanyang balahibo.

@little.allyyyy Ako si Bonbon, ang dating asong grasa ngayon ay asong bahay na! hehehe! #fyp #puppy #dog #bonbon #aso #tuta #cutepet #cutepuppy ♬ original sound – !

Patok naman sa netizens ang video ng pagpapaligo kay Bonbon.

“update nlang po kapag isasampay na hehehe”

“Nakatulog sya habang nilalabhan. Pakidryer po para mabilis matuyo”

“ang bait paliguan HAHA”

“dapat yata may wash board para mas madali matanggal yun mantsa”

“hahah ang cute..sana lumaki kang healthy at maging kasiyahan ka ng mga nag rescue sau”

“Gustong gusto na nyang matulog”