Mas masaya talaga ang buhay kapag may Karamay sa lahat ng bagay at para sa isang anak na ito, karamay-secured na siya sa kanyang kikay life at online shopping dahil sa kanyang ama na miyembro ng LGBT community.
Sa TikTok POV upload ng Tii Fam (@thetiifam ), pinasilip ang bonding moment ng isang mag-ama na naghahanap ng mga damit na babagay sa anak. Ayon sa video ay isa itong “perk” ng pagkakaroon ng tatay na miyembro ng LGBT community.
Malaro pang nagtatalo ang dalawa sa magandang outfit pairings. Napapa-“Pak!” na lang ang ama kapag slay ang makikitang damit.
Hindi rin matatawaran ang pagiging mabusisi nito sa size kaya’t sabi niya na lang sa anak ay, “Teh, medium ka na. Hindi ka na small” na para bang magtropa lang sila.
@thetiifam Bonding nila yan 🤣
Pinusuan agad ng mga netizens ang cute at makulit na bonding ng mag-ama.
“Ang kyut ng bonding nila.🥰”
“Soafer cute niyo naman!! 💓”
“parang ang Ganda Ng bonding nila🥰🥰🥰”