Madalas na reklamo ng mga Pinoy na sila ay overworked at underpaid. Hindi naman sila masisisi dahil bukod sa stress nila sa trabaho ay kailangan pa nilang makipagbaka sa trapik para makauwi sa kanilang mga pamilya kaya naman sila ay nakaka sana all na lang sa mga rich kids na hindi laging kailangan maghigpit ng sinturon para makaraos kada kinsenas.
Sa isang viral na comedy reel ng PGAG, pinag-tripan nilang ipakita sa pamamagitan ng sayaw ang effort na ginagawa ng mga nakakaangat-angat sa buhay at doon sa mga desperado para kumita ng pera.
Sa caption na may utos ni boss na sumayaw ng naaayon sa pangangailangan, napa LOL ang mga Pinoy netizens sa obvious na pagkakaiba ng energy level ng mga hindi nangangailangan kumpara sa talagang nangangailangan.