James Rusameekae smiling broadly while posing next to Mark Striegl during their reunion in Thailand.

Pak, awra! Mark ‘Mugen’ Striegl at James Rusameekae ng ‘Physical: Asia,’ nagkita sa Thailand

Nagkita na sa wakas sina Mark Striegl at James Rusameekae! Panoorin ang viral reunion sa Thailand na kinakiligan ng Physical: 100 Asia fans.

Natupad din ang pinakaaabangang reunion ng Thai LGBT volleyball player na si James Rusameekae at ang kanyang crushie na si Fil-Japanese Sambo champ Mark “Mugen” Striegl.

Bumisita kasi ang ilang atletang Pinoy sa Thailand kung saan ginanap ang katatapos lang na Southeast Asian Games kasama na rin ang mga “Physical: Asia” competitors kaya naman sinamantala na nila ang pagkakataon na mag-bonding.

https://www.facebook.com/reel/2381588045618075

Happy naman ang mga Pinoy sa naging reunion ng dalawa lalo na nang makita si James na todo awra sa tabi ng kanyang crush.

Una nang nag-viral ang “wow” expression ni James nang magtanggal ng shirt sa isang challenge si Mark at naging paboritong meme ito ng mga fans ng show, maging ng Netflix.

“The loveteam that we failed to protect”

The reunion everyone was waiting for.

“Hoooooooooooooyyy!!!! Hahahahahahaha waaaaaaaaaaw!”