Pahabol message ni Gela Atayde sa kanyang Ate Ria at Kuya Zanjoe, tagos sa heart ng fans

Hindi mapigilan ng mga fans na ma-emote sa madamdaming mensahe ng bunsong Atayde para sa kanyang Ate Ria at Kuya Zanjoe.

Matapos gulatin nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang mga fans sa pag anunsiyo ng kanilang engagement noong Pebrero, muli na naman nilang pinasaya ang kanilang supporters sa balitang ikinasal na ang dalawa sa mismong kaarawan ni Ria nitong Marso.

Umulan ng mga ngiti at kasiyahan sa simpleng kasalang dinaluhan ng malalapit na pamilya at kaibigan ngunit ang mensahe ng kapatid ni Ria na si Gela ang siyang nagpa-senti sa mga netizen.

Ani Gela sa kanyang message sa kanyang Ate at ngayon ay official Kuya, dahil malaki ang pagitan ng edad nila ni Ria ay ito na ang tumayong pangalawang ina nito. Si Ria din ang kanyang tagapagtanggol, cheerleader at matalik na kaibigan sa kanyang paglaki.

Winelcome din ni Gela si Zanjoe bilang bahagi ng kanilang pamilya at ipinarating dito ang kanyang paghanga sa kanyang strong values, at pag aalaga sa kanyang Ate. Sinabi din niya na deserve ng kanyang Ate na mapunta sa isang lalaki na kasing mapagmahal ng kanyang bagong Kuya.

“Kuya Z @‌onlyzanjoemarudo, you’re finally officially my kuya. Thank you for being the most genuine, supportive, and caring kuya to me, and now, ex-boyfriend to my ate. Your strong family values have always been a source of comfort, knowing that you would take care of not just my sister, but us siblings and your future family as well. Congratulations to the both of you. My heart is at peace in knowing that my sister is being entrusted to someone as loving and lovable as her,” aniya.

“Love you guaps. Thanks for everything 🤍,” sey ng kanyang Ate Ria.

Si Zanjoe naman nagpaulan ng puso sa heartwarming message ng kanyang bagong baby sis.