Pagod na ba umiyak? Fans ng ‘Queen of Tears’ todo asa sa happy ending

Kulang na lang ay mag-novena ang mga Pinoy fans ng “Queen of Tears” sa kapanapanabik na finale trailer na inilatag ng Netflix.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Excited na excited na ang Pinoy K-drama fans sa magiging ending ng hit Korean drama na “Queen of Tears” tampok si Kim Soo Hyun bilang Baek Hyun Woo at Kim Ji Won bilang Hong Hae In.

Paano ba naman, papasok na sa huling linggo ay hindi pa din alam ng mga fans kung magkakaroon nga ba ng happy ending ang love story nila Hyun Woo at Hae In lalo pa at humarap ang mag-asawa sa malubhang sakit ni Hae In at ang problema ng pamilya sa mga gustong umagaw ng kanilang negosyo.

Gigil much din ang peg ng fans sa kontrabidang si Yoon Eun Sung (Park Sunghoon) na hanggang sa huli ay hindi napapagod umeksena sa pagitan ng nagkabating mag-asawa.

Sa kapanapanabik na teaser para sa finale na inilapag ng Netflix, lalong kinabahan ang mga abangers na fans kung ano ang kahihinatnan ng serye na nilagpasan na ang ratings na naitala ng “Crash Landing on You” nang kasagsagan nito.

Sa trailer na inilapag ng Netflix, makikita ang naging resulta ng operasyon ni Hae In pero sa isang banda ay iniipit naman si Hyun Woo ng mga maling paratang. May eksena ding duguan si Soo Cheol (Kwak Dong Yeon) at sinusunog ni Eun Sung ang isang ebidensiya tungkol sa pagkatao ni Hae In.

Todo react naman ang mga netizens:

“The final countdown, please surprise me with the great reveal”

“sana matapos lahat ng problema sa episode 15 para sa episode 16 puro lovey dovey na lng”

“Eunseongggg BAT KASI!!”

“Hala wag.”