Pagmumukmok ni Twirlie ng Jollibee dahil walang nagpapapicture, kinaaliwan sa TikTok

Tumatalikod at parang lugmok ang Jollibee mascot na si Twirlie matapos siyang kantyawan na walang nagpapapicture sa kanya.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Caught on cam ang tila pagtatampo ng Jollibee mascot na si Twirlie matapos mapansin na walang gustong magpapicture sa kanya sa isang event sa Pasig City.

Sa TikTok video ni @‌memekfinds, makikita na parang nagmumukmok si Twirlie habang ipinapakita rin ang ibang mascots na pinapalibutan ng mga taong nagpapakuha ng selfie.

Pero sa dulo naman ng video, ipinakita rin ang mga larawan nilang kasama ang mascot, isang sweet ending sa kanyang tampo moment.

@memekfinds Tampo na si Twirlie 😁 Thank you sa pa-birthday bash @Jollibee 🫶 #twirlie #twirliejollibee #jollibee #jollibeemascot #fyp ♬ original sound – Meme K

Umabot na sa mahigit 820,000 views na ang video, at muling naalala ng netizens ang kanilang pagkahilig sa mascot na hugis ice cream.

“bat ba ang gagaling ng humor ng mga mascot ng jollibee 😭”

“ako lang ba, pero si twirlie talaga pinakafav ko sakanila😭😭😭”

“fav mascot ko sa jollitown hahaha pinag aagawan p namin ng pamangkin ko yan na sakin sya HAHA”

“wawa naman ‘yang bias ko na ‘yan 😌”

“MAS BET KO PA SIYA KAY HETTY PLS”