Pagfa-fangirling ng isang senior citizen sa DonBelle love team, nagdala ng good vibes sa social media

Isang senior citizen mula Real, Quezon all out sa pagiging fan ng DonBelle at ang anak nitong todo suporta sa kanyang pagfafangirl ay nagbigay saya sa mga netizens.

Hindi naging hadlang ang pagiging senior citizen ng isang lola na taga Real, Quezon para ipakita kung gaano siya ka diehard fan ng “DonBelle” love team.

Sa video na pinost sa Tiktok ni JJ Ports, makikita ang isang senior citizen na nakasampa sa likod ng kanyang anak para lang masilayan ang kanyang paboritong love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

“DonBelle sana mapansin mo nanay ko..haha 64yo na yan pero G na G parin,” sabi JJ sa kanyang caption.

Dinig din sa video ang salitang pagsigaw ng mag-ina para makuha ang attention ni Donny na nasa stage habang kumakanta sila ni Belle.

“Donny!! Pansinin mo nanay ko… Senior citizen na po ito, may crush sa inyo,” ayon kay JJ.

@jjports1 DONBELLE sana mapansin mo nanay ko..haha 64yo na yan pero G na G parin..#donbellempire #donbelle #donbelleatbaguio ♬ original sound – Jj Ports

Game na game din sa pagsayaw at pagsabay ng mag-ina sa kanta nila Donny at Belle.

Hindi na din napigilan ng ina ni JJ na tawagin si Donny para lamang siya ay pansinin.

“Donnyeeeee…. Waaahhhh!!!!” sabi ng ina ni JJ.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens dahil sa pagfa-fangirling ng lola at sa todo suporta na pinakita ng kanyang anak.

“aww grabe yung pagmamahal ni Mother sa DonBelle and nakakaproud yung anak nya na sinusoportahan yung gusto ng mom nya,” komento ng isang TikTok user.

“mas grabe yung pagmamahal nung anak,” sabi naman ng isang netizen. Sagot naman ni JJ: “Kulang pa po iyan para matumbasan pagmamahal at pag alaga nya samin”

“Ang cute oi supportive din ang anak sa pag delulu ng nanay nya sa donbelle”