Kung dati ay pabigatan ng alkansya ng mga naipong barya, ngayon ay mas marami nang nagdedeposito nito sa coin deposit machines
Kung dati ay pabigatan ng alkansya ng mga naipong barya, ngayon ay mas marami nang nagdedeposito nito sa coin deposit machines o CoDM na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa katunayan, noong Enero 15, umabot ng Php 399.1 million ang mga baryang na nakuha ng BSP sa mga CoDM, na tumatanggap ng lahat ng denominasyon ng barya mula isang sentimo hanggang Php20, ulat ng Philippine Star.
Hindi naman masama ang mag-ipon ng mga barya pero mas mainam na ito ay ideposito na lang sa ating mga GCash or Maya electronic wallets gamit ang mga CoDM. Maaari rin na ipapalit na voucher sa mga kalahok na shopping malls ang mga barya na ipapasok sa CoDM
Ang mga CoDM ay inilunsad ng noong nakaraang taon at layunin nito na magamit ng maayos ang mga barya at matugunan ang nararanasang “artificial coin shortage.”
“Through the CoDM project, the BSP aims to address the artificial coin shortage in certain areas of the country and help ensure that only fit and legal tender currency is readily available for public use,” ayon sa BSP.
Ang CoDM ng BSP ay matatagpuan sa Festival Mall, Muntinlupa City; SM Mall of Asia, Pasay City; SM City North EDSA, QC; SM City Fairview, QC; SM City San Lazaro, Manila; SM City Bicutan, Parañaque; SM City Bacoor, Cavite; Robinsons Place Ermita, Manila; at Robinsons Place Galleria, Ortigas.
Mayroon din sa SM Megamall, Mandaluyong City; SM City Grand Central, Caloocan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Taytay, Rizal; SM Hypermarket FTI, Taguig City; SM Southmall, Las Piñas City; SM City Sucat, Parañaque; SM City Calamba; SM City Marikina; SM City San Mateo, Rizal; SM City Valenzuela; Robinsons Place Metro East, Pasig City; Robinsons Place Novaliches, Quezon City; Robinsons Place Antipolo, Rizal; at Robinsons Place Magnolia.
o CoDM na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas.