Time and acceptance ang naging sagot ni Kim Chiu sa tanong kung kaya niya pang makipagkaibigan sa kanyang naging ex. Ito ang tugon niya sa media sa presscon ng “Linlang.”
Sa tanong ng mga reporter kung may pagasa ba na maging kaibigan ang isang ex na nakipaghiwalay dahil sa panloloko, inamin ni Kim na hindi naman basta nawawala ang sugat kapag ang isang tao ay nasaktan.
“Lahat naman ng sugat hindi naman siya agad-agad gumagaling so lahat ng panloloko hindi mo agad mapapatawad. So I think it involves time and acceptance,” ani Kim.
Ngunit bago pa man magkaroon ng issue at madawit ang kanyang hiwalayan sa dating boyfriend na si Xian Lim, nilinaw ni Kim na ang kanyang statement ay patungkol sa dinanas ng kanyang karater na si Juliana at ng kanyang asawang si Victor, na ginampanan naman ni Paulo Avelino.
“Para na rin siguro sa sitwasyon ni Juliana at Victor, may anak kasi sila so may consideration din na kasama. May time, acceptance, and be considerate sa anak niyo para hindi na rin siya ma-trauma or ganoon. I-set aside muna yung hate. May oras na kailangan daanan yung proseso. Hindi naman din kasi siya in one click mapapatawad na kita, okay magbati na tayo para sa anak natin. May oras talaga, buwan, taon o a decade,” paliwanag niya.
Matapos ang tagumpay ng serye sa Amazon Prime, muli itong eere sa free television. Magbabalik tambalan naman si Kim at Paulo na mas kilala sa tawag na KimPau sa Philippine adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim?” na unang ginampanan ng South Korean stars na sina Park Min Young at Park Seo Joon.