Paapak!! Estetik na paa ni Nadine Lustre, nagpahanga sa mga fans

Napabailib na naman ang mga fans ni Nadine Lustre sa simpleng post nito ng estetik niyang paa.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagbabalik na naman ang mga estetik shots ni internet’s president Nadine Lustre kung saan nag-share naman siya ng larawan ng kanyang mga paa na nakasuot ng mala Diyosang sandalyas.

Partida pa nga at black and white ang kanyang post kaya’t naipamalas na naman niya ang kanyang creativity sa pagkuha ng aesthetic shot na pang fashion magazine ang peg.

Witty din ang caption na “Poison Ivy” na nagre-reference sa isang halaman na vine na umaakyat pataas habang lumalago. Ang disenyo kasi ng sandals ay mga bulaklak na pataas ng binti ni Nadine.

Maraming fans din ang nakaalala na luma na ang sandals na ito ni Nadine pero naitago pa pala nito at naisuot pang muli. Ang iba kasing mga pre-loved clothing ni Nadz ay ibinebenta niya para mapakinabangan ng iba.

“Ok lang mapagsabihan na mukhang paa…basta paa mo yung reference”

“the last time you wore this was wayyyy too long ago na madam, so happy that you kept this in the vault.”

“kahit paa ang perfect parin!! 😩😍”

“mii aesthetic pa rin kahit paa yung picture😩”

“Paapak pls😩”