Aliw na aliw ang mga netizens sa anak ni Cong at Viy Cortez na si Kidlat tungkol sa kanyang mga pilosopiya sa pagkain. Paano, nang tanungin siya ng kanyang mommy kung balak na ba niyang mag-diet sa 2026 ay agad nitong sinabi na saka na lang siya magbabawas ng pagkain.
Relate na relate maging ang mga nakatatanda sa mga pangangatwiran ng bagets lalo na ng sabihin nito na masyado pa siyang bata para magpigil sa pagkain. Ani ng bagets, wala din siyang balak magbawas ng kanin dahil paano naman siya mabubusog ng walang rice?
Humirit pa nga ito na kasama naman sa kanyang diet ang pagkain ng isda at gulay pero siyempre kailangan pa rin niyang mag fast food para sa fries at burger.