Paalam Luxxe White! Frontrow Philippines, nagdaos ng magarbong lamay para sa pagtatapos ng kanilang flagship product

Hindi talaga malilimutan ang pakulo ng kumpanyang Frontrow na ipinagpalamay pa ang Luxxe White, ang sikat nilang produkto.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May kakaibang pakulo ang kompanyang Frontrow Philippines matapos i-anunsiyo na ilan sa kanilang flagship products ay ididiscontinue na. Nagdaos sila ng isang funeral para sa kanilang mga produkto, kabilang na ang Luxxe White.

Sa isang blog kolumnistang si Ed Uy, binigyan niya ng pasilip ang naganap na magarbong lamay kung saan ang mga imbitadong guests ay pinaakyat pa sa stage para mamaalam sa harap ng isang ataul habang naka-project sa background ang larawan ng Luxxe White.

Nagkaroon din ng eulogy mula sa mga founders ng Frontrow.

Hindi naman kailangang magluksa ng mga loyal na gumagamit ng produkto dahil magbabagong anyo lamang pala ito para maging Luxxe White Ultima.

Gayunpaman, panigurong hindi agad-agad malilimutan ng publiko ang magarbong send-off na ginawa ng Frontrow sa produktong nagtaguyod sa kanilang kumpanya sa loob ng maraming taon.