P-pop supremacy: HORI7ON Kyler at SB19 Justin, pasok sa TC Candler 100 Most Handsome Faces of 2024

Pasok sa prestihiyosong TC Candler Most Handsome Faces list ang HORI7ON member na si Kyler at ang bunso ng SB19 na si Justin.

ANCHOR at A’TIN, magbunyi! Pasok sa listahan ng Top 100 Most Handsome Faces ng TC Candler ang HORI7ON member na si Kyler Chua at SB19 Justin de Dios.

Umangat sa ika 21 pwesto si Kyler sa taong ito mula sa pang 27 noong 2023, Si Justin naman ay bagong pasok sa No. 41 ng prestihiyosong listahan.

Kaya naman ang mga Pinoy sa X, hindi magkamayaw ang pagbubunyi dahil proud na proud sila sa recognition na ito. Ang TC Candler ay isang listahang biunubuo ng mga independent critics na pumipili mula sa daan daang mga celebrities mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil nga ito ay binubuo ng mga kritiko, mataas ang naging panuntunan ng annual list ng TC Candler at kaabang abang ang bawat edisyon na inilabas nito sa loob ng higit 30 taon.