Noong hindi makatuntong sa Olympic podium sa ikalawang pagkakataon sa Paris, maraming Pilipino ang agad umalo kay EJ Obiena na bumawi na lang sa LA Olympics sa 2028. Ngunit bago magdesisyon ay naglabas ng saloobin si EJ na hindi pa siya nakakasiguro sa gagawing hakbang dahil apat na taon na naman siyang magsasakripisyo para makamit ang inaasam na medalya para sa Pilipinas.
Sa isang interview, ipinaliwanag ni Coach Jim Lafferty kung anong klaseng atleta talaga si EJ sa likod ng mga medalya at pagkilala na nakikita ng mga Pinoy sa social media.
Ani Coach Jim, ibang klase talaga ang disiplina at dedikasyon ni EJ sa sport. Aniya, hindi nagkakaroon si EJ ng cheat day at mag isang naghahanda ng kanyang mga kakainin sa araw-araw.
Hindi lamang yun, maging sa araw ng Pasko ay nagbubukas ito ng gym para mag-work out habang naka base ito sa Dubai para mag-training. Ani Jim, hindi biro ang mental strength ni EJ dahil napakahirap mag-training sa ibang bansa habang nag-iisa at wala sa paligid ang kanyang support system at pamilya.
“I’ve often told him after he’d won a competition, why don’t you have a slice of pizza with your friends? And he would refuse. This is discipline. This is the life you’ve had. I’ve been with him in Italy. You know, he goes home after eight hours a day of the same routine every day,” kwento ni Coach Jim.
Dagdag pa niya, “No family, no support, cooking his own meals, and never having a beer with his friends, never having a Coca-Cola, never having a bag of French fries, never having any halo-halo, never having any white rice for years. And that’s the price you have to pay to go all the way to the top.”
Ani Coach Jim, lingid sa karamihan, naiintindihan ni EJ kung ano ang dapat niyang gawin para maging kampeon. Ang pag unawang ito ni EJ ang isa sa nagaangat sa kanya sa ibang atleta.
“I’ve seen his discipline. He is breathtakingly disciplined. It’s just on another league. He never misses a workout, never misses anything, never cheats on anything, never has a cheat meal. And that’s the stuff that what makes him hesitant to talk about it is that it’s not always the glamor. He sees reality. It’s a tough life. And very few athletes in my view are willing to pay the total price,” aniya.
Sa kanyang pinakahuling social media post, ipinaliwanag ni EJ na hindi na siya napasama sa ibang schedule ng mga Pinoy Olympians dahil kailangan na niyang bumalik sa Italya upang magsanay dahil sasabak na naman siya sa panibagong season ng kumpetisyon.
Ipinangako niya din sa mga Pilipino na itutuloy niya ang laban upang itaguyod ang bandila ng Pilipinas sa mga kumpetisyon sa ibang bansa.