OT15 ng Super Junior, muling nabuo sa kasal ni Ryeowook at Ari

Panalo ang mga ELF fandom ng Super Junior nang makumpleto ang grupo sa unang pagkakataon sa loob ng matagal na panahon.

Para sa mga hardcore K-pop fans, isa ang Super Junior sa mga grupong inaabangan noong panahong pasikat pa lang ang Hallyu wave sa mundo. Ang Super Junior naman ang isa sa pinakamalaking grupo na nabuo na may 13 miyembro. Higit pa dun, sila din ang isa sa mga nagpauso ng sub-units kaya’t may mga additional members din sila.

Kahit aktibo pa rin ang Super Junior sa ngayon, may ilang miyembro na silang hindi nakakasama sa grupo kaya’t sobrang saya ng mga ELF o mga fans ng Super Junior dahil muli silang nagsama-sama sa kasal ni Ryeowook.

Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, muling sumama sina Sungmin, Kangin, Kibum, at Hangeng sa mga aktibong miyembrong sina Leeteuk, Heechul, Yesung, Shindong, Eunhyuk, Siwon, Donghae, Ryeowook, and Kyuhyun.

Tuwang-tuwa ang mga fans sa naganap na reunion sa kasal ni Ryeowook at Ari na dating miyembro ng K-pop group na Tahiti. Mas lalo din silang sumaya sa balitang dumalo din sila Henry Lau at Zhou Mi mula sa Super Junior M Chinee sub-unit.

(PHELFs/FB)

Hindi din siyempre Nawala ang performance ng grupo ng kanilang mega hit na “Sorry Sorry”