Patok na patok sa social media ngayon ang isang plant seller na nakahanap ng bagong silbi ng malunggay.
Iflinex ni netizen Jocelyn Rivac ang kanyang mga kuko na ginamitan niya ng tirang malunggay mula sa sangkap na ginamit niya sa kanyang tinola para makakuha ng isang post sa social media.
Nakiuso si Jocelyn sa ginagawa ng mga netizen na nagpo-post ng kanilang mga ulam sa socmed, maging ang ilan na ipinapakita ang kanilang bagong pagawang hairstyle o makeup. Yun nga lang, iniba ni Jocelyn ang kanyang atake at ginawa itong mas creative.
Ikinatuwa naman ng mga commenters ang naisipang ideya ni Jocelyn na pang IG pictorial ang datingan:
“organic nail art”
“No mani gel…no problem”
“Yummy hahaha”
“ayos sis ang ganda nang nail mo!”