Nakakaaliw talaga ang mga pusa dahil kung minsan ay wala silang pakialam kung saan na lang sila abutin ng antok. Kesehodang sa gilid ng kalsada o sa ibabaw ng paninda, iidlip at iidlip sila kung saan nila trip.
Sa isang post ng netizen na si Aryan San Jose, naispatan niya ang isang pusa sa palengke na himbing na himbing sa pagkakatulog sa ibabaw ng kahon ng paninda ng kanyang mga amo.
Imbes na gisingin, minabuti na lang ng nagtitinda na maglagay ng sign “Huwag hawakan si Puti. Maldita siya.”

Relate naman ang mga netizen na mayroon ding masusungit na pusa.
“Hay feel nako kambal mong ateee Puti”
“You’ve been warned~”
“oras ng trabaho natutulog”
“same same”