Opposites na makulit! Fans nina KZ Tandingan at TJ Monterde aliw sa magkaiba nilang porma

Kahit astig vs cutesy ang porma ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde, naaliw ang mga fans sa kanilang pagkakaiba.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Good vibes talagang panoorin ang mga interaksyon ng mag-asawang singer-songwriters na sina TJ Monterde at KZ Tandingan. Bukod sa magkaiba nilang personalidad, pati na din ang kanilang pormang magkaiba ay nakakaaliw din.

Sa kanyang pinakahuling post, ipinakita ni TJ na pak na pak ang astig na porma ng kanyang asawa na ready na pang-concert ang outfit. Samantalang siya naman, kabaligtaran at pa cutesy ang datingan. May pa-scarf pa at very demure.

Aprub na aprub naman ang interaksyon na ito sa mga fans.

“Ang kulit!”

“Ang cute nyo.”