Oppa spotted! Oppa-ble na South Korean fencer dumami ang fans dahil sa kagwapuhan

Maraming mga kapanapanabik na kaganapan sa Paris Olympics pero habang taimtim na nanonood ang mga sports fans sa buong mundo ng kani-kanilang pambato, mayroon din namang mga nakakapansin hindi lamang ng galing ng mga manlalaro, kundi maging kanilang kagwapuhan, tulad na lang ng South Korean fencer na si Oh Sang Uk.

Bukod sa pagiging unang gold medalist sa kasaysayan ng South Korea sa larangan ng fencing, nabighani din ang mga netizens kay Oh dahil sa kanyang oppa-ble visuals.

Kahit iilan pa lang ang mga posts ni Oh sa IG, mapapansing bigla ding dumami ang kanyang mga followers na umabot na sa 312k.

Mapapansin ding dumami na ang mga fans na nag-cheer kay Oh sa kanyang mga huling laban matapos nilang makita ang kanyang itsura sa likod ng fencing mask.