On point! Esnyr, nasapul ang kilig sa kanyang hayskul crush parody

Bentang-benta ang bagong video ni Esnyr sa mga dumaan sa mga katatawanan at kahihiyan ng pagkakaroon ng high school crush.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nasapul na naman ng content creator na si Esnyr Ranollo ang kiliti ng mga Pinoy sa kanyang hayskul crush moments kung saan ginawan niya ng parody ang mga paandar ng mga teenagers kapag nagpapapansin sa kanilang mga crush sa school.

Sa kanyang YouTube video, kuhang-kuha ni Esnyr ang mga galawan ng mga teenagers habang nagnanakaw ng silip sa cute na crush. Mayroon din namang pakipot at sungit-sungitan ang peg pero deep inside ay kilig na kilig na.

Sino ba naman ang hindi makaka-relate sa mga papansin moments sa canteen with todo support sa mga tropa para makausap lang ng saglit ang heartthrob ng school. Iba din ang nostalgia na dulot ng walang kamatayang tuksuhan sa classroom.

Kinabiliban naman ng mga fans ang on point na panggagaya ni Esnyr lalo pa at maraming roles din siyang ginampanan sa kanyang parody video. Aprubadong-aprubado ito ng mga netizens na umabot na sa higit tatlong milyong views sa loob lamang ng tatlong araw.

“Esynr deserves praise for his acting expressions; you can clearly see and differentiate his characters, all portrayed by one person. we want a another! episode!”

“The hell. His chemistry with his self is better than some of the series/movies I have watched, and this also gives me more kilig.”

“Hahaha. 32 yrs old na ko pero kinikilig ako dito haha. Omg!!!! Highschool days ang galing galing!!! Dapat gawin tong series”