Okay pa naman! Diwata, nagbigay ng update tungkol sa viral cake

Buo pa naman ang cake na bitbit ni Diwata nang mag-photo op sila ni Mayor Gem Castillo na hindi sinasadya niyang itinagilid.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ilang araw ding nag trending kung ano ang nangyari sa cake ni Diwata na binitbit niya na parang envelope ang isang Goldilocks cake na iniregalo sa kanya nang biglang dumating si San Pablo Laguna Mayor Gem Castillo.

Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa kaswal na paghawak ng social media star sa cake habang nagpapa-picture, ngunit sa isang banda ay alalang-alala din naman sila sa sinapit ng kawawang cake.

Ayon kay Diwata, masyado daw kasi siyang na-excite at dinalaw siya ni Mayora kaya naman nakalimutan niya na cake ang bitbit niya.

https://www.facebook.com/hiddenGemofSanPablo

Well, mabuti na lamang at nagbigay na ng update si Diwata at pinakita kung ano ang nangyari sa cake na natagilid. In fairness naman ay hindi ito masyadong nasira ngunit mapapansin na dumikit nga ang icing nito sa isang gilid. “Wow steady pa rin ng cake… pahinge diwata…..” “Ok p nman ang cake lod diwata ndi an sya na stress my sorry n nga e… Go go go lang Jan nga side lods diwata legit supporters mo kmi Dito sa bnsang Silangan” “Ayos lang yan Diwata masarap pa rin yan cake” “Buti at ganyan lang inabot talaga inabangan namin yong risolta”