OG primetime royalties! Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla, napabilib ang netizens sa kanilang ibang level na akting sa breakup scene ng ‘Senior High’

Trending ngayon ang dating ABS-CBN child stars na sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla dahil sa kanilang napagaling na performance sa makapagbagbagdamdamin na breakup scene sa Kapamilya teen drama series na Senior High.

Marami ang humanga sa eksenang ito kung saan makikita ang iba’t ibang emosyon ng dalawa nang magsorry at umamin na may nakahalikan na iba ang karakter ni Zaijian na si Tim sa kanyang girlfriend na si Roxy, na ginagampanan ni Xyriel.

Hindi pinalampas ng mga manunuod ang bawat galaw at atake ng dalawa sa isang napaka-relatable na eksena, lalong lalo na ang mga detalye ng expresyon ng mukha ni Xyriel nang masambit na ni Zaijian ang linyang “I kissed someone.”

Bumuhos ang papuri ng mga viewers sa dalawang aktor lalo na’t napamahal na ang dalawa sa madla dahil sa napakagaling na pag-ganap ni Xyriel bilang Madam Anna Manalastas sa “100 Days to Heaven” noong 2011 at ni Zaijian bilang Santino sa “May Bukas Pa” noong 2010.