Not once, but twice! Aspin, nagtapos ng Cebu Marathon sa pangalawang pagkakataon

Bumilib ang maraming netizen sa asong nagtapos sa Cebu Marathon pero mas lalo silang humanga sa resistenya nito nang malamang noong nakaraang taon ay jumoin na din ito sa mga runners.

Kinabiliban ng mga netizens ang galing ng isang aspin na nakitakbo lang sa mga runners ng Cebu Marathon 2025 pero nagawa pang tapusin ang 42 kilometers para magkamit ng kanyang Finisher’s Medal.

Pero hindi pala ito first time ni doggy na mag marathon dahil last year din pala ay may nakakita na sa kanya na jumoin sa mga runners.

Ayon sa maraming saksi, sa simula pa lamang ay kasama na nilang tumakbo ang aso kaya’t nang makita nilang tumawid ito sa finish line ay tuwang-tuwa din sila, gayun din ang organizers na agad ginawaran ng medalya ang mahusay na aso.

Cebu Marathon 2025 | Certified CCM finisher si ” doggie” | Facebook

Marami ding naging instant fans ang aso dahil caught in 4K ng mga kapwa runners ang kanyang winning moment. Kanya-kanyang share din sila ng resibo kung saan saang bahagi ng marathon nila inabutan ang aspin kaya’t walang pasubali na deserve nito ang karangalan ng pagtatapos sa marathon.

May resibo din sila sa pagsali niya last year.

Insert image: bandit2

Sa comments section naman ay marami ding nag post ng intension para ampunin na lang ang aso para mabigyan ito ng furever home.

“Willing to adopt. I will name him Bandit. Dad-on nako siya sa CCM every year.”

“Ako Willing Ko Mo Adopt Asa .Na Cya Karon”

“dili nako mo carbload next time, mo dogfood nako #congratsdoggy”

“Congrats, Doggie!”