Nonchalant in Disneyland! Jake Ejercito inalaska ang reax ni Ellie sa Happiest Place on Earth

Daming tawa ng netizens sa asaran ng mag-amang Jake at Ellie sa IG.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil usong-uso ngayon ang mga taong nonchalant ay pinagkataon ni Jake Ejercito na i-troll ang sariling anak sa expression na ito.

Sa isang vacation post nilang mag-ama sa Disneyland, biniro ni Jake ang anak na si Ellie sa caption na ang kanyang anak ay nonchalant sa Happiest Place on Earth habang ang ibang mga turista sa theme park ay di magkamayaw sa pagpapapicture at pamamasyal.

Sa video, kitang-kita ang mapang-asar na ngiti ni Jake habang kumakain ng ice cream na hugis Mickey Mouse habang ang kanyang anak ay mukhang nagsawa na sa kakulitan ng ama.

Natawa na lang ang netizens sa interaksiyon ng mag-ama.

“Cute nyo mag daddy” “Hay naku daw sabi ni Ellie”