Bentang-benta na naman ang mga Facebook hirit ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagpasok ng 2026. Paano naman kasi, ginalingan naman ng butihing mayor ang paggawa ng kanyang year-end roundup video ng mga accomplishment ng lungsod.
May pa-background video pa si Mayor Vico na aminado naman siyang basic lang ang kanyang editing skills kaya’t malayo ito sa ineexpect nilang blue screen at chroma set.
Gayunpaman, patok pa rin sa mga Pasigueño ang paandar ng kanilang mayor, lalo naman ang mas importante ay ang kanyang mensahe sa lungsod na pawang good news.
https://www.facebook.com/VicoSotto
Benta rin ang kanyang New Year’s greeting sa kanyang mga nasasakupan. Dahil nga alam ng kanyang mga constituents na hindi naman siya bibili ng cellphone hangga’t hindi kailangan, dinaan na lang sa joke ni Mayor Vico ang kanyang pagbati gamit ang isang lumang Nokia phone.