Noche BINI! Nationโ€™s Girl Group, rumampa sa Star Magical Christmas Ball bilang handa sa Noche Buena

Nation's Girl Group, BINI, nagpa-LOL sa netizens matapos ang nakakatakam na costume sa 2024 Star Magical Christmas bilang mga paboritong handa ng mga Pinoy tuwing Noche Buena.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw at saya ang dulot ng Nation’s Girl Group na BINI matapos nilang irampa ang kanilang mga agaw-eksenang costume sa 2024 Star Magical Christmas Ball nitong nakaraang Linggo na ginanap sa Solaire North, Quezon City.

Tuwang-tuwa ang mga netizens at fans sa mga suot nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, and Sheena na mistulang mga paboritong handa ng mga Pinoy tuwing Noche Buena.

Nangunguna sa pagrampa si Gwen na tila isang lamesa na may kandila, si Sheena bilang bote ng softdrink, si Mikha na isang keso de bola, at si Stacey na isa namang fruit salad.

Pangmalakasan din ang costume ni Jhoanna bilang fruit basket, si Maloi bilang lumpiang shanghai, si Colet na siyang ham, at si Aiah bilang lechon.

Madaming tawa naman ang dala nito mga netizens na hindi inakala ang costume ng walong BINI members.