Bucket list check ang peg ng global pop star na si Tyla nang matupad niya hindi lang ang simpleng pagsakay sa iconic jeepey kundi ang mismong pagmaneho ng tinaguriang “King of the Road” ng Pilipinas.
Sa kanyang unang pagbisita sa bansa, ginulat ng “Water” singer ang kanyang fans nang maispatan siyang nagda-drive ng isang traditional jeepney sa Pasay City pagkatapos ng kanyang “We Wanna Party Asia Tour” nitong Dec. 3.
Suot ang kanyang black bra top at black pants, makikita sa TikTok video na shinare ng Sony Music PH ang kanyang confidence sa pagpihit ng manibela na para bang isang legit na jeepney driver na sanay mamasada.
@sonymusicph @TYLA ❤️❤️❤️ #WEWANNAPARTY #TylaInManila #PUTHERINCHANEL #Jeepney #TYLA ♬ CHANEL – Tyla
Aliw naman ang kanyang mga fans sa kanyang trip at ang ibang netizens, as usual, ay pinaandar na naman ang Pinoy humor at humirit ng mga nakakatawang komento:
“Sobrang random na nagdrive ng jeep si Tyla 😂”
“Kaya pala ang aga natapos ng concert, namasada pa pala siya 😭”
“napaka hard working😭 katapos concert namasada ng jeep”
“One thing about Tyla, she will enjoy a country to the fullest 😂😂😍”
“tayla batumbakal byaheng baclaran 💕✨”